LAGING BLOATED? NARITO ANG MABISANG PARAAN UPANG LUMIIT ANG BLOATED STOMACH
Ang bloating ay dahilan ng sobrang kinain, ininom, food intolerance, constipation, at hangin sa iyong digestive system, na maaaring maging sanhi ng seryosong epekto sa iyong kalusugan kung hindi maaagapan. Bakit nakararanas ng stomach bloating? Kapag sobra ang gas production o kaya ay may disturbances sa pag-galaw ng muscles sa digestive system, ayon sa healthline. Ano ang mga paraan upang mawala ang bloated belly at masamang pakiramdam na dulot nito? Maligo ng maligamgam na tubig dahil ang init na dulot ng tubig ay nagbibigay relief sa masakit at bloated na tiyan. Kainin ang mga prutas tulad ng saging, papaya, pinya, oranges, at mandarins pagkatapos kumain ng heavy meal upang mapalakas ang iyong digestive tract at maiwasan ang constipation at bloating. Makatutulong ang belly massage upang ibaba ang kinain papunta sa stomach at gumaan ang paninigas ng tiyan pati na ang sobrang pressure at bloating. Ugaliing uminom ng peppermint o chamomile tea upang ma-relax ang nararamdamang spasm sa sikmura. Kung palaging feeling bloated ka kahit konti lang ang kinain, i-check ang salt intake at baka nasobrahan na. Ang sobrang sodium sa katawan ay nagre-retain ng tubig, na parang may lobo sa iyong tiyan. Ang pagkain ng probiotics o pag-inom ng probiotic supplement ay makatutulong upang maiayos ang colon bacteria na gumagawa ng gas at dahilan ng bloating, ayon sa MedicalNewsToday.
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.
#Bloatedstomach #kabag #gamotsatiyan
0 Comments